Tayo’y Nagkabalikan Na

by Erica Rose Chan | shared on He Said, She Said |

Naging palaisipan sa akin ang ating
pagbabalikan
Nag-aalinlangan kung eto ba’y isang
pagkakamali naman
Ako ay nagigising na may takot sa
maaari mong paglisan
Na baka lahat ng ito’y wala rin pa lang
kuwenta kinalaunan.

Tumagal ang panahon,
ang araw ay naging buwan, ang buwan naging taon
Nagsihilom ang sugat na naidulot ng mapait nating kahapon
Unti-unting napapalitan ang mga masasamang ala-ala
Ng mga memoryang punumpuno ng tawanan at saya

Ayon na nga, nagpatuloy ang kuwento
ng “tayo”
Mga araw na binuo ng ikaw at ako
Ang pagsasama natin ay tila parang walang hahadlang
Dalawang pusong pumipintig sa iisang
musika lamang

Saka ko na itutuloy ang karugtong nitong
kuwentong masaya
Kapag ako’y nakatulog at nanaginip na
Sa ngayon, tititigan na lamang muna kita
Habang patuloy kong binubuhay ang
imahinasyon kong tayo’y nagkabalikan na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments