Ugnayan

by Meg Yoshinaga | shared on He Said, She Said

Nag-iisang sumasayaw sa saliw ng musika,
na likha ng matinding pagkalumbay at pagkabigo,
mula sa di matapos-tapos na pagkagulo–
ng isipan,
na patuloy na tinatakbo ang milya patungo sa iyong kanlungan,
kahit ako’y hilong-hilo,
at pagod na pagod,
at sagad na sagad,
na ang damdamin ko
sa kahihintay sa’yo
na magkusang lumapit sa akin at bigyang linaw,
ang nanlalabo kong balintataw
na walang ibang imahe kung ‘di ikaw!
Ikaw na isang malaking palaisipan!
Na hindi ko mahula-hulaan,
kung ano nga ba ang nilalaman
ng iyong pagngiti at paglapit,
ng iyong sulyap at kalabit,
na kahit anong pilit iwaglit,
ay di mapigilan ang pangingiliti
ng napakakulit at napakaliit
na mukha ng pag-asa.
Oo, pag-asa.
Pag-asa na sa kabila ng malabong usapan,
Ay magkaroon na kalinawan ang lahat at baka sakaling kung hindi man ngayon,
ay sa susunod na darating,
ay magkaroon ng malinaw na ugnayan,
Ugnayang tulad ng paanong nagkasundo,
ang buwan at araw,
na bigyang ilaw,
ang mundo sa t’wing ang isa’y namamahinga.
Ugnayan na tulad ng paghalik ng alon sa dalampasigan,
Ugnayan na kung paano malulutas ang palaisipang,
bakit pa pinagtagpo ang mga landas,
kung hindi rin naman sa bisig ng isa’t isa ang ating wakas?
bakit mo pinilit na hubarin ang baro ng aking pagpapanggap?
kung sa bandang huli ay hindi mo rin naman matatanggap,
ang katotohanang nakabalandra na sa iyong harap.
Titingala na lang siguro upang mahanap ang kasagutan,
sa alapaap ng pag-aalinlangan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleTorpe Daw Ako
Next articleIt Doesn’t Last