Untitled

by LCF | shared on He Said, She Said |

Sa tinta ng bolpen ko na lang nasusulat ang nararamdaman ko,
Ang hibla na lang ng papel ang nakakaramdam nito,
Ang pantasa na lang ang nagpapatalas ng memorya ko para hindi mabura lahat ng ala-ala mo.
Ngunit sabi ng pambura ng lapis tigilan at alisin ka na sa mga nasusulat ko tungkol sayo.
Naisipan ko na lang gumamit ng pentel pen para tumatak na lang ako sa ala-ala mo.
Hindi masusukat ng ruler ang pagmamahal ko.
Ang dala kong libro na lang binabasa ko pero mga ala-ala mo ang nakasulat dito.
Ginamit ko ang bookmark para piliin ang ala-ala na babasahin ko.
Sumasaya ako at nalulungkot pero nakalimutan ko na lahat ito,
Parang pagsulyap ko sa math problem
Una alam ko ang solusyon pero sa pangalawang sulyap nakalimutan ko na.
Parang nangopya ka sa eksam akala mo un na ang final answer yun pala scratch lang niya.
Kaya dinala ko na lang ang bag ko umaapaw sa karanasan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments