Wala na tayo

by Marien Antigua | shared from He Said, She Said |

Kahapon lang ay masaya tayo
Yakap mo ako at sinasabing mahal mo ako
Ngunit anong nangyari mahal ko?
Ginulantang mo ang mundo ko noong
sinabi mong “maghiwalay na tayo”

Mahal hindi ko maintindihan
Alam kong ako’y iyong binibiro lamang
Bawiin mo mahal ko, bawiin mo!
Pagkat hindi ko kayang ako’y iwan mo

Niyakap kita ng napakahigpit
Ngunit tinulak mo lang ako palayo sa iyong bisig
Ika’y tumalikod at naglakad palayo
Habang ang luha ko’y umaagos na parang gripo

Wala na tayo
Pero naguguluhan pa din ako
“Mahal kita” iyan ang turan mo
Pero bakit iniwan mo lang ako ng ganito?

Napakasakit isiping wala na tayo
Dahil ang mundo ko’y umiikot lamang sa’yo
Papaano ko haharapin ang mga problema
kung wala ka na sa tabi ko?
At papaano ako magsisimula
ngayong wala ka na sa piling ko?

Alam kong wala na tayo
Ngunit nasasaktan akong makita ka kasama ng iba
Habang ako’y nasasaktan at nagdurusa
Mahal kita, ako nalang ulit pwede ba?

Mahal, alam kong wala na tayo
Ngunit ang puso ko’y sinisigaw pa din ang ngalan mo
Mahal kita, ngunit iba pala ang mahal mo
Hahayaan na kita sa piling niya,
kahit ikakawasak pa ng puso ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the sitehttp://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments