Akala ko, Tayo. Yun pala, Ako.

by Mela Aguisanda| shared on He Said, She Said |

Pano kaya kung ung oras ay maaari pa nating ibalik?
Muling maramdaman mga yakap mo’t halik.
Paano kaya kung ang panahon ay pwede pa nating ulitin?
Sa mga pagkakataon at pagkikita nating tila bitin.

Mag-iiba kaya ang ihip ng hangin
Magiging maayos kaya ang pagsasama natin?
Hindi ko mawari kung bakit ika’y inilayo,
Ng tadhanang siya ring sati’y nagtagpo.

Tila lahat sila’y hindi ninais sa atin ang magpakainlanman.
Tanging ang gusto nila’y tayo’y mapaglayo ng pangmatagalan.
Wala na nga akong kaya pang gawin
Kundi magtanong, paano kaya ang sa atin?

Mga posibilidad na naglalaro sa isipan,
pagasa kong nilamon na ng kadiliman.
Dating liwanag sa ating dalawa,
Unti-unti nang nauupos, walang wala na.

Paano nga kaya?
Kung tayo parin hanggang ngayon
Ikaw, naisip mo ba?
Masaya kaya tayo kaysa noon?

Unti-unti ko ring nalalasap ang realidad.
Aba teka, ako lang pala ang nagtatanong.
Binabalik ko pa nga ang noon at kahapon.

Ikaw nga pala ang unang lumayo.
Di ka pa nakuntento dala mo pati aking puso.
Ako pala ang naiwan.
Palaging gising sa ilalim ng buwan.
Ako lang pala ang nangarap, pangarap na nawala rin sa isang iglap.
Ako lang pala ang lumaban, kahit alam kong pagkukunwari mo ang nasa harapan.

Akala ko, tayo. yun pala, ako.
Hindi pala sapat na mahal mo.
Minsan kailangan sa giyera, dalawa kayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments