Ako at Ikaw

by Neri | shared on He Said, She Said |

Ako.
Simple lang
Aral aral lang ang inaatupag
Walang nagugustuhan
Walang planong magmahal
Pero dumating ang ikaw.

Ikaw.
Bakit sa lahat pa ay ikaw?
Bakit ba ikaw ang nagustuhan?
Bakit ikaw ang napiling mahalin?
Bakit ikaw? Ikaw?

Ewan.
Ewan na lamang ang nasasabi
Ewan ang nagsisilbing sagot
Sa mga katanungang hindi alam kung ano ang dapat isagot
Sapagkat magulo.

Magulo.
Magulo ang napasukan ko
Magulo ang mga nangyayari sa ngayon
Magulo tulad ng buhok kong pwede nang pugaran ng ibon
Magulo ang tayo.

Tayo.
Tayo?
Mayroon nga bang tayo?
Ah–wala nga pala
Sapagkat ang tayo na tinutukoy ko ay ako lang ang nagbibigay kahulugan
Ako lang pala ang may problema
Ako lang pala.

Tanga.
Ako lang naman ay isang tanga, oo tanga na kung tanga
Tanga na sa simpleng ngiti mo lang ay naiihi ako sa kilig
Tanga na natutuwa kung susunduin mo ako labas ng classroom namin
Tanga na hahawakan mo ang kamay ko sa tuwing naglalakad tayo
Tanga na nahulog sa mga bulaklakin mong mga salita
Tanga na ibigin ka
Tanga ako sapagkat iniibig kita ngunit ikaw–simula pa sa umpisa ay hindi mo ako iniibig.

Akala.
Akala ko yun na
Akala ko ikaw na
Akala ko totoo na talaga
Ngunit ayon nalaman ko nalang bigla ang sikreto mo ng tropa mo.

Alam.
Wala akong alam sa mga ginagawa mo
Wala akong alam sa mga schedule mo
Wala akong alam sa mga lakad mo
At lalo akong walang alam na niloloko mo lang pala ako
Paano ko nalaman? Hindi yan ang tanong sapagkat ang dapat na itanong ay
Bakit?
Bakit mo ako niloko?

Trip.
Sabi mo trip mo ako
Sabi mo maganda ako
Sabi ng mga kaibigan mo subukan ako
Pustahan lang pala to
Trip trip lang pala
Aba’y tang*na naman
Bakit ako?
Bakit ako pa ang pinagtripan niyo?

Tigil.
“Itigil na natin ito.”
Yan ang sabi ko sayo
Sapagkat pagod na ako
Pagod na maloko pa uli
Pagod na sa kakaiyak
Pagod sa kakaisip kung bakit
Kung bakit nangyari iyon.

Habol.
Dalawang buwan simula nung tinapos ko ang koneksyon natin
Dalawang buwan akong di nagparamdam
Dalawang buwan nang ikaw ay naghahabol sa akin
Para saan pa?
Bakit pa?
Tapos na diba?
Nanalo ka na?
Sa walang kwenta niyong pustahan na ako ang bida.

Tawad.
Nanghihingi ka ng tawad
Nanghihingi ng paumanhin
Nagsasabing hindi mo na uulitin pero ako ang may ayaw na

Sawa.
Sawang-sawa na ako na magtiwala ulit
Sawang-sawa na masira ang tiwala sa tulad mo
Sa tulad mong napaka-g*go
Kaya please tama na

Mahal.
“Mahal kita.”
Iyan ang sabi mo sakin noong makalawa
Mahal mo ako?
Totoo?
Hindi na ako tanga
Natuto na ako
Kaya tumigil ka na.

Tapos.
Tapos na talaga
Wala ng dapat ibalik pa
Wala ng dapat hanapin pa
Sapagkat tapos na
Tapos na ang ako at ikaw

Ako at ikaw
Na walang tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleUnexpectedly
Next articleThe Idea of Us