Alaala

by Akencial Paul D. Rico | shared on He Said, She Said |

Naaalala ko pa ang huli mong bigkas,
ang huli mong paglabas sa pintuan ng aking mundo.
Iniwan mo sa aking harapan ang mga matatalim na kataga,
Hinelera ang bawat salita
Kasabay ng nakakabinging “paalam.”

Noong gabing ‘yon isinigaw ko
sa ilalim ng kalawakan na mahal kita, mahal kita…
Pero hindi ka tumugon, hindi ka lumingon,
Mas pinili mong maglayag mag-isa,
Mas pinakinggan mo ang tibok ng takot diyan sa puso mo
at sa kung ano ang sasabihin sa ‘yo ng mundo.
Noong gabing din iyon saiyong pag-alis,
Binitbit mo ang lahat ng liwanag,
Naglaho ang pula sa puso ko,
Namutla ang aking mga tala
at nabulag ang mga mata ko sa kadiliman,
Sa mga gabi’y walang imik….
Sa mga gabi’y na malamig.

Ngayong nasa malayo ka na alam ko
na may ibang makakapansin sa iyong ganda.
May magtatangkang suyuin ka,
May magbibigay ng kanyang panahon at atensiyon,
May mag-aalok ng kanyang balikat
sa tuwing nasa alanganin kang sitwasyon
At alam ko din nasa kinalalagyan mo ngayon
ay malaya ka nang makakapaglakbay
sa kung saan ka man ibig dalhin
ng iyong mga paa, ng iyong puso at ng iyong pag-ibig.

Ngunit giliw nais kong malaman mo
na hindi ako magpapatinag sa iginuhit mong sugat
Sapagkat magpapatuloy parin ang tula sa buhay ko,
Mabubuo at mabubuo ding muli ako,
Gaano man ako durugin, kutyain at saksakin
Ng mga ala-ala mo sa ilalim
ng mga bituwin.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments