Pag-iisa

Spoken Poetry by Joyce Ann Keilsy Leido | shared on He Said, She Said |

Una mo s’yang nasilayan sa kabilang kalsada.
Ngunit dahil nakatungo s’ya,
nagdasal ka pang sana magtama ang inyong mga mata.

Nakakatawa di ba? Umayon pa sa ‘yo ang tadhana
dahil ilang sandali na lang makakasalubong mo na,
hinabol mo pa nga ng tingin di ba?

Hindi ka pinatulog ng mga gabing iyon,
patuloy kang umaasa na sana
makita mo s’ya sa pangalawang pagkakataon,

Dahil sa kakampi mo nga ang panahon
nagkasabay pa kayong pumara ng jeep ng mga sandaling iyon.
Hindi mo na napigilan ang sarili mong titigan s’ya,
habang ang kanyang mga mata ay nakapako sa kabilang banda,
hindi mo mawari kong guni-guni mo lang ba,
pero ng tumama ang mata mo sa kanya,
kalungkutan lamang ang iyong nakita.

Nagpakilala ka, inilahad mo pa ang iyong kamay
para mas makumbinsi s’ya,
ngunit tungo lamang ang naging tugon n’ya.
Nagtaka ka, nasabi mo nalang sa sarili mo
na di ka naman pangit ngunit bakit binalewala ka n’ya.

Kung gaano ka nahumaling sa kanyang mga mata,
ganun din s’ya naiinis dahil sa pagtitig mo sa kanya.
Kung gaano mo sya kagustong tulungan sa kanyang mga dala,
ganun din katigas ang pagtanggi n’ya.
Kung gaano kasarap sa pakiramdam mong malapitan s’ya,
ganun din sya ka-determinadong itaboy ka.

Sa bawat pagsubok mong pumasok sa buhay n’ya,
kulang na lang ay magmakaawa s’yang tumigil ka na.
Sa lahat ng mga negatibong ipinapakita n’ya sa ‘yo,
‘wag mo sanang hayaang mawalan ng pag-asa ang sarili mo.

Intindihin mo s’ya.
Intindihin mo ang mga nakatagong rason sa bawat pagtanggi n’ya.
Hanapin mo kung s’an nanggagaling ang pagmamatigas n’ya.
Subukan mong pawiin ang kalungkutang bumabalot sa kanyang mga mata.

Marahil sa lahat ng pinaranas na sakit sa kanya ng mundo,
nakaya n’ya ng harapin ang kahit na ano.
Iniisip n’yang hindi n’ya na kailangan ang isang tulad mo.
Marahil ito ang tinuro sa kanya ng buhay,
ang mawalan ng emosyon sa lahat ng bagay.
Na hindi mo dapat masilayan ang kanyang kahinaan.
Na ang pag-iisa ay ang kanyang kaligayahan.

Tulungan mo s’ya.
Pilit mong ipaalala sa kanya na hindi s’ya nag-iisa.
Na nabubuhay s’ya hindi lamang para sa sarili nya.
Iparamdam mo sa kanya kung paano maging masaya ng may kasama.
‘Wag mong hayaan na ang maging silbi lang ng kanyang puso
ay magpadaloy ng dugo sa katawan n’ya.
Haplusin mo ang pagkatao n’ya,
tunawin mo ang galit at pait na inipon n’ya.
Ipakilala mo sa kanya ang mukha ng pag-ibig.
Ikulong mo s’ya sa iyong mga bisig.
At kung magpumiglas man s’ya,
yakapin mo s’ya ng mahigpit hanggang sa mapagod s’ya
at yayakapin ka na rin n’yang pabalik.

At kung umalis man s’ya,
di mo ito ikatitinag sapagkat kayang kaya mo s’yang habulin.
Pakiusap, hawakan mo s’ya ng mahigpit na ang pagbitiw
ay di mo kaylanman naisip.
‘Wag mo s’yang susukuan.
Iparamdam mo sa kanya na ang pag-iisa ay matatapos na
at hindi na n’ya muling mararanasan pa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleBabe
Next articleAlaala