Ang Katotohanan na Dapat ay Ikaw at Ako

by Tin Tin | shared on He Said, She Said

Wala ng tayo.
Pero damang-dama ko ang sakit
na pasan-pasan mo.
Na sa paglipas ng araw sa buhay mo,
ay ako pa din ang mahal mo.

Paano ba natin ipagsisigawan sa mundo
na dapat ikaw at ako?
Na kung sa paningin ng mga tao
ay mali ito?

Kung ipagpipilitan ba nating pareho
ay makakayang iwasto?
Na ang sinisigaw ng ating puso ay totoo.
O hahayaan na lang natin
silang lahat na kutsain tayo?

At di mapatunayan sa paligid natin
ang katotohanan na dapat ay ikaw at ako?
Ang sakit mahal ko.
Ang sakit masaksihan ang istorya
na di tayo puwedeng maging masaya pareho.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments