Patawad

by SASV | shared on He Said, She Said

Patawarin mo ko kasi yung mga pangakong akala ko hindi magbabago, ay nagbabago na.
Patawarin mo ko dahil ang mahal kita ay naglalaho na
Patawarin mo ko dahil ang mga alaalang dapat tinatandaan ay nalilimutan na
Patawarin mo ko dahil sumasaya nako ng wala ka
Patawarin mo ko dahil napapagod na ‘kong maghintay pa
Patawarin mo ko dahil malapit na ‘kong bumitaw
Patawarin mo ko dahil pinipili ko ng talikuran ka
Patawarin mo ko dahil nakakalimutan na kita
Patawarin mo ko kung ang mga luhang
nagbabadyang umagos ay umuurong na
Patawarin mo ko dahil di ko na din madama
ang pag ibig nati’y minsan ng pinagsama
Patawarin mo ko dahil kinakaya ko ng mag-isa
Patawarin mo ko dahil nag-iiba na ang landas
at malapit na kong mawalay mula sa’yo, at sa mga ahas
Patawarin mo ko tulad ng pag papatawad ko sa ‘yo, kaya patawad at,

Pinapatawad na kita sa hindi mo pagkapit
Pinapatawad na kita sa hindi pag patak ng mga luhang pilit
Pinapatawad na kita sa pag liko mo ng daan
Pinapatawad na kita sa paghindi mo pag-antay
Pinapatawad na kita sa lahat ng iyong kasinungalingan
Pinapatawad na kita sa mga pilit mong mahal kita
Pinapatawad na kita sa mga pangakong pinili mong ipako
Pinapatawad na kita sa mga pekeng ngiti, at tawa mo
Pinapatawad na kita sa pagsuko at pagsawa mo
Pinapatawad na kita sa pagtalikod mo
Pinapatawad na kita sa paglimot mo
Pinapatawad na kita sa pagpili ng kasiyahang wala ako
Pinapatawad na kita sa mga panahong nalimutan mo ‘ko
Pinapatawad na kita sa mga oras na wala ka sa tabi ko
Pinapatawad na kita sa pagiging makasarili mo
Pinapatawad na kita sa pagpili mong talikuran ako
kesa habulin ako

Pinapatawad na kita.
Pero bago ko tapusin ang pag papatawad ko sa ‘yo,
hayaan mo munang patawarin ko ang sarili ko,
Hayaan mong patawarin ko ang sarili ko
sa pagbigo ng mga pangako ko, pangakong kakalimutan na kita,
Pangakong hahayaan na kitang maging masaya sa iba,
Pangakong iibahin na ang landas kung saan wala ka,
Pangakong titigilan ka ng habulin at mahalin,
Pangakong hindi ka na tititigan at titignan pang muli,
Pangakong hindi na muling lilingon sa iyo,
kaya hayaan mo muna akong patawarin ko
ang sarili ko sa hindi ko pagtigil na mahalin ka,

Mahal patawarin mo ‘kong muli hanggang dito sa huli dahil,
mahal ang pangakong nagbabago na,
ang mga luhang umurong, ang pagbitaw, ang pagsuko,
at pagtalikod ko sa ‘yo ay naglalahong muli
dahil hindi pa pala kita kayang kalimutan,
mahal pa rin pala kita, hindi ko pa kaya,
kaya patawarin mo ko dahil
mas pinipili kong kumapit muli sa ‘yo,
at sa mga pangako mong ako lang ang mamahalin mo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 58 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments