Ang Pangako

by Rosemae Miranda | shared on He Said, She Said |

Isang salita na madaling bitawan,
ngunit ito ay mahirap panindigan,
isang salita na kaniyang iniwan,
bago niya ako tuluyang nilisan.

Siya ay nangakong babalik sa akin,
at ako lang ang kaniyang mamahalin,
kung anuman ang kaniyang kaharapin,
sana mga pangako ay kaniyang tuparin.

Siya’y aking hinihintay na bumalik,
at muling madama ang kaniyang halik,
sa mga yakap niya, ako’y nasasabik,
siyang magpapalit sa ngiti kong plastik.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments