Pakinggan mo Siya

by Queenie Santiago Leal | shared on He Said, She Said |

Pakinggan mo Siya.
Hindi mo sya makikilala sa mga tanong-sagot na pag-uusap.

Hindi mo sya malalaman sa mga pasilip at mga pasimpleng galawan.

Kung nais mong malaman ang kanyang istorya.
Tignan mo sya sa mga mata, dahil kung minsa’y nakangiti
ang kanyang labi ngunit ang mga mata nya’y tutulo na ang luha.

Huwag kang maniwala sa sasabihin nyang “Ayos lang ako,”
dahil sa likod nito’y nais magsalita at isagaw na “Sana matapos na ito.”

Hindi mo sya makikilala sa umaga, kung saan ang araw ay lilitaw. Makikilala mo sya sa paglubog nito kapag tahimik na ang daan. Kapag wala ng ibang tao sa lugar, at wala ng sasakyan sa daan. Kaya makinig ka sa kanya.

Pakinggan mo siya.
Hindi nya nais ng payo. Ang nais niyang makamit ay mapakinggan.
Hindi nya nais mahusgahan ang gusto nya lang ay mapaniwalan.

Ayaw nya ng kasama ang kailangan nya’y kaibigan.
Ayaw niya ng kinukulong, ang nais niya’y maging malaya.

Kaya pakiusap, mahirap syang kilalanin.
At kapag kilala mo na siya, paki-usap, maniwala ka sa kanya.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments