Ipinagdasal

by Anonymous | shared on He Said, She Said |

Nung mga panahon na kailangan ko na ng karamay sa buhay, sabi ko God gusto ko na magkaroon ng boyfriend at kung bibigyan mo po ako sana yung mabait, masipag, yung masayang kasama, yung maiintindihan ako at ang sitwasyon ko, yung mabuting tao.

Lagi ko yun pinagdadasal hanggang sa isang araw dumating ka. Inisip ko baka ikaw yung request ko kay God ay ikaw ang binigay nya.

Nung una ayoko sa ‘yo hindi kita gusto hanggang friend lang pwede ko ibigay sayo. Ngunit nangulit ka at pinilit mo makuha ang attention ko. Hanggang sa lagi na tayo magkatext at naramdaman ko na masaya ako pag kausap kita. Sumasaya araw ko, pakiramdam ko buo araw ko. Napapangiti at napapatawa mo ako. Mas nakilala kita at nagdecide na bigyan ka ng chance. Sabi ko sa sarili ko try lang naman wala namang masama. Kung maging ok eh di masaya pero pag hindi eh di hindi. Basta ang gusto ko may taong dadamay sa ‘kin at magpapangiti.

Sinagot kita. Naging tayo. Dumaan ang mga oras, araw, linggo, buwan, taon. Nasabi ko sa sarili ko, “Hindi ako nagkamali.” Magiging ok pala tayo at magagawa pala kitang mahalin ng sobra kahit may hadlang sa ‘ting dalawa. Madaming pagsubok ang dumaan sa ‘tin pero nagawa pa rin nating ipaglaban ang pagmamahalan natin.

Sabi ko baka ikaw na nga talaga ang para sa ‘kin. Minahal kita ng sobra. Ikaw lang at wala ng iba. Naging masaya tayo sa isa’t isa. Napatunayan mo sakin na mahal mo ako at di mo kayang mawala ako sa buhay mo. Napatunayan mo na karapat-dapat kitang mahalin. Nasabi ko sa sarili ko na suwerte na ‘ko.

Lumalim ang pagmamahalan natin na hindi na natin kayang malayo sa isa’t isa. Minahal natin ng sobra ang isa’t isa. Hanggang sa magkaron na tayo ng mga pangarap para sating dalawa isa na dun ang magka-pamilya. Sabi mo sa ‘kin ako ang gusto mo makasama habambuhay at naramdaman ko sincerity mo. Dumating ang araw na nabiyayaan tayo ng anak. Sobrang saya mo. Ang tagal mong hinintay yun. At ako, wala akong pinagsisihan. Masaya ako para sating dalawa. Masaya ako dahil masaya ka.

Nagpakasal tayo, naging mag-asawa. Mas lalo tayo naging masaya. Pinatunayan mo sa ‘kin na mabuti kang ama at asawa. Nagpapasalamat ako kay God na ikaw ang binigay nya sakin. Sabi ko wala na ko mahihiling pa. Kuntento na ko sa ‘yo. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa ‘yo. Ikaw lang sa puso ko. Ikaw ang bumuo ng buhay ko.

Sabi natin sa isa’t isa magkasama tayong tatanda kasama ang ating anak. Madami tayong mga plano na gusto natin matupad. Lagi ko iniisip yung future natin na maganda at masaya. Alam ko matutupad natin yun at kayang-kaya.

Nakatatak na sa puso’t isip ko na ikaw ang forever ko, na tayo habambuhay. Ikaw at ako. Tayong dalawa. Wala akong nakikitang kahit ano’ng dahilan para magkahiwalay tayo. Alam kong ikaw ang ibinigay sa ‘kin ni God.

Ngunit dumating ang araw na di ko inaasahan. Di ako makapaniwala. Nakakabigla. Hindi ko matanggap. Sobrang sakit.

Yung tao na akala ko s’ya na,
Yung tao na akala ko para sa ‘kin,
Yung tao na inisip kong makakasama ko habambuhay,
Yung tao na bumuo sa buhay ko,
Yung tao na nagpapasaya sa ‘kin,
Yung tao na nag alaga at nagmahal sakin ng sobra,
Yung tao na akala kong tanging magmamahal sa ‘kin,
Yung tao na hiniling ko makasama,
Yung tao na una at tangi kong minahal at pinangakuan na mamahalin hanggang pagtanda,
Nawala sa ‘kin.

Bakit ka kinuha ni God sa ‘kin?
Bakit ka dumating pero aalis din?
Bakit ang bilis? Bakit ang aga?
Bakit ikaw pa ang nawala?
Bakit ako naiwan?
Bakit ako ang nawalan?
Bakit nangyari sa tin ‘to?
Bakit pinaghiwalay tayo?

Ikaw ang bumuo sa buhay ko Ikaw din ang sumira. Nasira dahil sobra akong nasaktan sa pagkawala mo. Iyung dating ako na buo, masaya, ngayon malungkot, nasasaktan, kulang, nangungulila sa ‘yo, ikaw lang ang gusto kong makasama sa buhay, wala ng iba.

Bakit mahal na mahal kita — sobra?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePakinggan mo Siya
Next articleTama na