Tama na

by Anonymous | shared on He Said, She Said |

Tama na, ayoko ng maging tanga.

Apat na buwan na pa lang nakalipas simula nung gabing tinapos ko ang lahat. Nung gabing sinabi kong ayoko na. Apat na buwan na pala akong nagdurusa sa desisyong ginawa ko. Akala ko kasi mahal mo ‘ko at di mo ko kayang mawala ngunit tama nga, akala lang pala.

Di ako tumakbo, sa halip ay mabagal akong lumakad dahil nagbabakasakaling hahabulin mo ko ngunit hindi. Lumayo ka sa ‘kin na parang ako’y may nakakahawang sakit. Minahal mo ba talaga ako ? Totoo ba yung sinabi mong pakakasalan mo ‘ko? Dahil kung totoo yun bakit ganto, bakit hinayaan mong magkaganito tayo.

Gustuhin ko mang bumalik sa ‘yo di ko na magawa dahil alam kong wala na kong babalikan pa. Napakahirap nang pinagdaan ko simula nung tayo’y maghiwalay. Tanging ang unan ko lang ang s’yang nakikiramay.

Sa tuwing nakikita kang masaya na sa piling ng iba parang dinudurog ng husto ang aking puso, ngunit wala akong magawa dahil alam kong ako ang may gawa.

Noong sinubukan kong lumayo at kalimutan ang lahat tsaka ka nagbalik. Muli kong naramdaman ang ‘yong bisig, muli kong naramdaman ang iyong init. Akala ko’y ito na ang muling pagkakataon ngunit hindi, sinabi mong ika’y kuntento na sa kung anong meron tayo.

Ano nga bang meron tayo? Walang ikaw at ako at wala ring tayo. Kaya ano’ng meron tayo?

Sa sobrang pananabik ko sa ‘yo kahit ako’y naguguluhan at nasasaktan nagpatinaod na lang ako. Nagpadala ako sa nais mo, ngunit di ko pala talaga kaya. Sinubukan kong maging kuntento na ngunit hindi talaga. Nais kong maging akin ka ulit at ituring akong isang prinsesa tulad ng dati, nais kong magalit ka ulit sa tuwing may bagong umaaligid.

Ngunit sino nga ba ako? Ano’ng papel ko sa buhay mo, na sa ‘kin ka na dati ngunit hinayaan ka pang mawala. Kaya sino ako?

Ngunit gusto ko lang sabihin sayo na, nasasaktan din ako. Kung di mo man makita, ito na sinasabi ko na.

Ayoko na, mas nanaisin ko pang ako’y iyong layuan kesa iparamdam ang iyong pagmamahal na parang ang lahat ay nararamdam naman yan.

Kung ayaw mo na talaga maaari bang humiling na ako’y pakawalan na lang, maaari bang muling bitawan na lang?Hayaan mo na akong tumakbo papalayo sa ‘yo at ‘wag na muling pigilan pa, dahil di ko na kayang maging tanga. Nais ko na lamang na limutin ka.

At kung sakaling muling magkita at maramdaman na meron pang pag-asa, ‘wag kang mag-alala dahil muli akong magpapakatanga at muling mag-aantay ng pag-asa.

Ngunit sa ngayon, di ko pa kaya.

Kaya ako’y humihiling na sana pakawalan mo na akong muli.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleIpinagdasal
Next articleMuntikang Pag-ibig