Ang Sakit Kaya, Pramis

by Jhoan Calderon | shared on He Said, She Said |

Luha’t pawis
Pumapatak kasabay ng aking pagtangis
Dulot ng labis
Na paghihinagpis

Ngiti mong napakatamis
‘Yong mukha at ‘yong kutis,
Bakit ba sa isipan ko’y ‘di maalis
Siguro nga’y mahal kitang labis

Kapag ika’y nakikita puso ko’y tumitibok ng mabilis
Tila ba isang sasakyang humahagibis
Pansinin mo lang ako’y aking nais,
Mahal, hiling ko ba’y lumabis?

Kulang pa ang papel at lapis
Upang maipadama ko sa iyo ang aking hapis
Para bang ako’y sinaksak ng kung anong napakatulis,
Ang sakit kaya. Pramis.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleMagbalik
Next articleBakit?