Ano na ba ang Nangyari?

by Kashmyr Ylyka Ignacio-Pablo | shared on He Said, She Said

Ano na ba ang nangyari?
Ba’t di mo man lang sinabi
Nang ako’y hindi nagdadalamhati
Sa mga bagay na hindi ko mawari

Hanggang dito na lang ba tayo?
Wala na bang magbabago?
Nais mo nanaman bang maglaro?
O manghuhula na naman ba ‘ko?

Ano bang sistema
Ang meron sating dalawa?
Na sa tuwing tayo’y masaya
Ang s’yang bigla-bigla namang nawawala

Sa dinami dami ng pinagsamahan
Wala din namang patutunguhan
Sana naman ako’y iyong pinagsabihan
Nang ang sakit ay napaghandaan.

Anim na letra
Isang salita
Ito ang magpapatunay na
Hindi pa tayo ang itinadhana

Paalam, ang salitang sinambit
Ang syang tumutugma sa pait
Ngunit sa paglubog ng araw ako’y napatingin saglit
Ang isang larawan ng tadhana na saakin ay pinagkakait

Sa pagdaan ng mga araw at bawat patak ng luha
Umaasang may mababago pa
Pilitin man kumapit kahit walang kasiguraduhan
kung may patutunguhan pa
Ngunit ano bang silbi ng pagkapit
kung bibitaw ka din ng malaya

Bumitaw ako dahil kinakailangan
Upang ika’y hindi na masaktan
Sa mga bagay na hindi mo gugustuhin
Na malaman na posibleng wala ng patunguhan

Nalubog ang pangarap ng isang nalulugmok
At sa paglubog ng araw mula sa tutok
Kita ang bakas ng iyong pagmumukmok
Ang dahilan ng paghihirap mo sa pagsubok

Kaya mahal patawarin mo ‘ko
sapagkat ang mga pangakong binitawan ay
Hindi na matutupad pa
Sapagkat ang aking damdamin ay pagod na
Pagod na sa pag-asang may magbabago pa
Ayokong gawin pa nating salamin ang isat isa
Upang maipakita ang kahalagahan
at pagmamahal nating dalawa

Nakakatawang isipin
ang mga pagbabagong naganap
sa paglipas ng mga buwan
simula nang isa ay umalis
Paalam dahil ito na ang wakas
Ng pagmamahalan natin na tila wagas.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments