Awat na Mahal

from Carmela Salenga | shared on He Said, She Said |

Awat na mahal
Bago pa tuluyang maging lason ang pagmamahal na minsa’y bumuhay sa ‘tin
Bago pa balutin ng pait ang natitirang tamis sa alaala natin.
Kailanma’y hindi ninais ang pagsuko
Ngunit nagsisimula nang maging lason ang ating pagsuyo.

Patawad mahal
Patawad kung ako na ang mauunang lumayo
Patawad kung hindi ko na matutupad ang mga pangako
Gano’n pa man mahal, huwag mo sanang isipin
Na sa aking paglayo, ikaw ay lilimutin.

Mahal baka tayo nga ay nagkulang
Nagkulang mapansin ang lumalaking puwang
Baka tayo nga ay naging pabaya
Hanggang sa nalunod na tayo sa sarili nating mga gawa.

Mahal tulad ng puno na unti-unti nang nalalanta
Ang pagsuyo natin ay nawawalan na ng pag-asa.
Pinilit natin inalagaan, dinil’gan at nilagyan ng pataba
Ngunit maling kumbinasyon ata ang ating nagawa.

Mahal gusto ko pang lumaban
Pero wala nang hihigit sa sakit na patuloy ka pang masaktan
Masyado kong ninais na protektahan ka sa iba
Ngunit higit pala ang sakit na sa iyo’y aking maidadala.

Awat na mahal
Kahit sa pagsulat ng tatlong salita na yan ay para na akong pinapatay
Kahit kasabay ng pasyang ito ang panghabambuhay na pagkawala ng buwan sa kalangitan
At patuloy na pagpatak ng ulan mula sa mga matang ikaw lamang ang titignan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments