Paalam

by Winleth Manrique | shared on He Said, She Said |

Minahal kita
Pero ako’y pagod na
Kahit anong pilit ko
Di mo magawang mahalin katulad ako

Kaibigan lang ang turing
Tila nasunog, naging uling
Sakit ng nadama
Pero kailangang tanggapin na

Panahon ay lilipas
Pagmamahal na wagas
Sana’y makalimutan kita
Mga sakit lumisan ka

Selos sa tuwing may kasama ka
Pero di pwede kasi kaibigan lang
Sakit dahil mahal mo’y iba
Tama na! Ako’y umaasa lang

Tanging gusto ko nalang sabihin sayo
Paalam o KAIBIGAN ko
Gusto ko ng makalimutan ang lahat
Sakit ng nakaraan

Salamat at patawad minahal kita
Kahit di puwede nagpumilit pa
Wag mong isipin na sinisira ko kayo
Kailan man masaya ako para sa ‘yo

Sana maging masaya ka
Kahit di ako ang kapiling
Di magsisi
Sa desisyong tanging hiling

Hanggang dito na lang
Di na ko aasa
Ayaw ko na
Paalam na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments