Bakit mo nga ba ko iniwang sugatan?

sugatan

ni Axel Dela Cruz |

Bakit mo nga bako iniwan yan ang mga katagang gumugulo saaking isipan tila ba naguguluhan kung ano nga ba ang naging dahilan ng biglaan mong paglisan.

Tila ba ang hirap labanan ng mga espada ng orasan sa biglaang bilis ng takbo nito na tila ba dati masaya tayong dalawa pero bakit tila nawaglit na sinta.

naging saksi ang kalawakan sa nararamdaman nang di inaasahang mapadpad sa lilalim na kawalan pero di pa din masagot ang tanong kung bakit moko biglaang nilisan.

nagugulo ang isipan pilit na kinukubli ang nararamdaman sa di mawaring dahilan, Inaalala ang nakaraan tila ba kay saya ng mga araw na nagdaan pero diko matandaan kung ano nga ba ang rason para akoy iyong iwan.

Pinilit kong alalahanin ang mga araw na tayoy magkasama baka sakaling akoy makahanap ng kasagutan sa biglaan mong paglisan, Ngunit akin lamang natandaan ung mga panahong tayoy masaya at walang iniindang panghuhusga ng bayan, Mga panahong sabay tayong nagtatawanan hanggang sumakit ang ating mga tyan pero tingin ko naman di ito ang nagig dahilan para biglaan mokong iwan.

Sa paglipas ng nakaraang sakit tila ba di kayang iwaglit sa isipan ung takot sa nakaraan kung tama pabang sumugal o tatahimik nalang para di nalang masaktan.

Ayoko ng masakta o maiwan sa ere ng kawalan sa lugar na walang kasiguraduha kung hanggang kelan ung gantong pakiramdam , natatakot na baka maulit nanaman ung sakit na naranasan sa nakaraan.

Bakit mo nga bako iniwang sugatan? katanungang paulit ulit na gumugulo sa isipan humahanap ng kasagutang habang diko namamalayan unti unti ko na palang nakalimutan pati sarili’y di na maalagaan.

Isang umaga nagulat nalang sa natuklasan dahil ang rason pala ng biglaan mong paglisan ay ang taong nauna bago nagsimula ung kwento nating dalawa, Mahal mo pa pala siya sana sinabi mo nalang sinta para di na nagmukang tanga kakaisip kung bakit nga ba?

Mahal kita pero nakikita ko naaman na mas mahal mo siya , Mahal kita pero ipapaubaya muli kita sa kanya tutal siya naman talaga ung nauna, Siya naman talaga ung mahal mo sinta.

(Visited 4,464 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments