Mahal kita, pero tama na

tama na

ni  Gie Anne Lynx

Oo, oo minahal kita.
Madalas kong tanungin kung Katangahan ba ang mahalin ka?.
Katangahan ba ang ibigin ka?, katangahan ba ang piliin ka?.
Tinatanong ang sarili kung bakit ikaw, bakit ikaw ang pinili ng pusong tanga sa pagmamahal.

Nagmahal ka na naman ng taong di alam ang salitang pagmamahal at paninindigan.
Pero bakit ba hanggang ngayon ikaw pa din ang sinisigaw?

Kahit na di mo ko mabigyan ng halaga, pag aalaga at patuloy na binabalewala.
Alam ko nung una pa lang ako ang matatalo sa larong ating sinimulan pero pinili kong kumapit sa matatamis na salita at umasang meron , merong pagmamahal na natitira.
Ngunit eto ngayon maiiwang luhaan, sugatan at wasak ng dahil sa mga salitang iyong binitawan.

Hindi alam kung pano pupulutin ang sarili sa pagkawasak at pagkadurog na dinulot mo.
Mahal eto na pala yung pinakahihintay mo, bibitaw na ko , bibitaw na ko sa pag asang baka maging ok pa tayo, na baka sakaling mabuo.

Mahal kita pero tama na, hayaan mo na kong buuin ang sarili kong muli upang sa panahong magkrus man ang ating landas makikita mo ang mga ngiti at pag asang minsang mong kinuha sa’kin.

Kaya mahal, mahal kita pero tama na.

(Visited 4,489 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments