Salamat Pa Rin Sa’yo

Salamat Pa Rin Sa'yo

ni eL

Mahal, alam mo ba?
Noong tayo pa—
Minu-minuto ikaw lang ang nais kong makita
Pintig ng puso ko’y mayroong konting kaba sa tuwing naririyan ka
Ngunit Presensya mo pa rin ang sa akin ay nagbibigay saya

Sa paggising ko sa umaga
Boses mo ang nais kong marinig
Lalo na sa mga panahong sadyang kay lamig
Dahil bumubuo ito ng ngiti sa aking mga labi.

Iniisip ko pa lang lahat ng masasayang alaala nating dalawa
Ako’y napapangiti na habang luha ko’y unti-unting pumapatak mula sa aking mga mata
Hindi mawari kung ano nga ba ang nadarama.

Kung iisipin ko nga lang talaga
Mapapatanong na lang kung saan nga ba
Saan nga ba ako nagkulang
Kulang nga ba o sumobra na
Ano nga ba?
Unawa, suporta, respeto at pagmamahal ibinigay ko na
Pero bakit nagawa mo pa rin akong iwan — Mahal…
May kulang nga ba o sadyang di ka lang makuntento sa isa?

Sabi mo sa akin, uunahin mo lang muna ang sarili mo –
Sarili at mga pangarap mo
Ok lang naman sa akin kung hindi ako kasama sa mga pangarap mo
Pero ano itong nakikita ko?
Ika’y may kayakap sa isang tabi
Kulang na lang ay kayo’y langgamin
Ang lambing mo naman kasi.

Ngayon, naisip ko na tama ka
Tama ka naman pala, sadyang may kulang lang talaga
Sabi mo uunahin mo ang sarili mo
Pero nakalimutan mong sabihin na
Uunahin mo ang sarili mo, kasama sya
Aabutin ang mga pangarap mo, kasama sya
Yung saatin dalawa, drawing lang pala — ang saya.

Ngayon ko rin naisip na ang tanga ko pala
Ay mali, tama lang pala
Tama lang na hindi na kita hinabol at pinilit pang bumalik pa
Oo minahal kita at aaminin kong may kirot pa sa tuwing naaalala kita
Pero ok lang, kasi wala ka na
Nasanay man ako sa’yo pero makakabangon pa rin naman ako
Hindi ko naman nakakalimutang hindi lang ikaw ang lalake sa mundo
At least may natutunan ako.

Natutunan ko maging masaya kahit wala ka na
Natutunan ko maging matapang kahit ako’y nag-iisa
At nalaman kong hindi naman ako tanga
Marunong lang talaga ako mag-alaga at magmahal ng tama
Kahit sa maling tao pa.

ano yun

(Visited 3,366 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments