Bestfriend ko Minahal ko

by Airene Cruz Matuguina | shared on He Said, She Said |

Nung una’y parang wala lang
Kahit ang pangalan mo ay hindi ko alam
Di nagtagal tayo ay nagkakilanlan
Dahil sa mga taong naging parte ng ating buhay.

Nung mga panah0ng iniwan nya ako,
Nandiyan ka sa tabi ko.
Ikaw ang siyang naging sandalan ko sa mga oras na ako’y nasasaktan.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana
Iniwan ka din ng taong mahal na mahal m0
At nakita ko ang sakit na kanyang naidulot sayo

Ikaw at ako’y bumuo ng masasayang alaala upang ang sakit ay maibsan
Di naglaon nahuhulog na ang lo0b ko sayo,
Pero sabi ko hindi pwede Bestfriend m0 lang ako.

Siniksik ko sa aking isipan hanggang d00n lang tayo
Ngunit sigaw ng puso ko’y ikaw.
Mali ba na ika’y mahalin
Dahil sa tayo’y magkaibgan lang
Pinili k0ng lumayo sayo upang damdamin ko’y maitago.

Ang paglayo ko’y naging daan upang ako’y higit na masaktan
Nakita kitang masaya sa piling ng iba.

Iniisip ko kung ako kaya’y nagtapat ng pagmamahal ko sayo
Tatanggapin m0 kaya ako,
O hanggang kaibigan lang talaga.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments