Biggest Mistake: Noong tayo pa

by Lymeeengot | shared on He Said, She Said |

Hi Babe, Merry Christmas.

Naalala mo pa nung tayo pa? Kung paano natin sinelebrate ang pasko, kung paano tayo napuyat kakatext at kakatawag sa isa’t isa kasi gusto natin sabay tayong babati ng exactly 12am sa isa’t isa?

Naalala mo pa ba kung gaano tayo kasaya? Naalala mo pa ba kung paano tayo kiligin kapag nag i-iloveyouhan sa isa’t isa? Kung paano tayo mag away sa mga simpleng dahilan katulad ng, di pag text, o di pag sagot ng tawag (akala busy sa iba) o di pagkain sa tamang oras, (na naging dahilan ng first break up natin.😂😂)?

O kaya nagpapabaya sa sarili kaya nagkakasakit minsan, pati pag lagay ng bimpo kapag magpapraktis para sa activity ng school, HAHA.

Simpleng bagay para sa iba pero sa ‘tin big deal na diba? Diba? Ganun tayo ka isip bata pero ang kyut lang kasi ayaw mong palipasin yung isang araw na di tayo nag babati kaya minsan ikaw na nasuyo kahit ako yung mali, yieee.  Kaya nainlove ako sayo ng sobra e. Hahaha!

Your the sweetest boy I’ve ever met babe and pushing you away with your best friend was the biggest mistake that I’ve ever done.

Sabi niya kasi matagal ka na niyang gusto and she asked me to give you up and I did.

Sorry ha? Akala ko mas magiging okay ka sa kanya kasi mas kilala niyo na yung isa’t isa. Akala mas sasaya ka sa kanya kasi kayo yung palaging mag kasama kasi mag best friend kayo mag kasama kayo sa lahat ng gala. Akala ko kasi napapagod ka na sa kakulitan ko kasi nakikita nkita kitang umiyak.

I’m sorry babe, for hurting you. I’m sorry babe for pushing you away.

I’m sorry, babe.

Pero alam mo hanggang ngayon stalker mo pa din ako sa FB, di ka na nga nag girlfriend after nating nag break. Di naging kayo kahit pinag tulakan kita sa kanya.

Ilang taon na bang nakakalipas,  dalawa? hahaha!  Funny isn’t it?  Ako yung nag tulak sa ‘yo pero hanggang ngayon mahal pa din kita. Hanggang ngayon. My gosssssh! Totoo talaga na regret is always in the end?  Hahaha.

Wala akong lakas na sabihin to sa ‘yo kasi ako yung nag tulak sa ‘yo palayo pero babe I want you to know that I’m still into you.

Again I’m sorry, babe and I love you.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

 

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments