Walang titulo

by RTC | shared on He Said, She Said |

Walang titulo, parang tayo, walang ako walang ikaw, walang TAYO, ngunit ang hindi ko malaman eh, bakit bawal kang maging akin pero sa ‘yo naman ako?

Bawal ang magkaroon ng IBA pero ikaw merong SIYA. Hindi ba ako p’wedeng maging masaya? Bakit ba? Ang isang malaking katanungan na hanggang ngayon ay hindi pa din masagot.

Bakit ba ako nagkaganito? Bakit ba paiba-iba ang ginugusto eh ‘andito lang naman ako. Bakit ka ba nagpapakatanga eh ‘andito naman ako’t minamahal kita.

Sa tuwing nababanggit ko ang salitang bakit ay nasusundan na ng sakit ang mga naiisip ko.

Hindi ba ako dapat ang nasa tabi mo ngayon? O sadyang hindi lang talaga ako yung karapat-dapat.

Pero alam mo? Mahal kita eh. Hindi naman ako nagmamadali pero ang tagal nung salitang “mahal din kita.” Natabunan na ‘ata.

Minsan sinasabi ko na lang sa ‘yo na pagod na ‘ko. Hindi sa pagod akong mahalin ka, kundi pagod na ‘kong ipagpilitan ang sarili sa taong gusto ko pero hindi naman talaga ako yung ginugusto.

Pero ni minsan hindi ko naisip ang sabihin sa ‘yo na gusto ko nang sumuko.

MAHAL KITA. At kahit ano’ng sabihin nila yun at yun pa din ang mararamdaman ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 2 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments