Eh Ano Naman

Eh-Ano-Naman

[Ito’y patama sa lahat ng ogag, at pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga babaeng kinulang sa pisikal na pangangatawan] #152

ni silentwolf

Ika’y nakaranas ng diskriminasyon mula sa mga mapagpuna.
Kesyo flat
Kesyo no butt.
Kesyo kinulang sa height.
Kesyo kulay black not white.
Kesyo chabby.
Kesyo no shape ang body.
At marami pang kesyo.
Sa lahat ng nagsabi n’yan sayo
Tanggapin n’yo ‘to kesyong-ina n’yo.

Binibini ko,
Ako na ang babanat para sa’yo.
Isinusumpa ko sa ngalan ng itaas.
Hindi man kayo mananagot sa batas.
Kase ang batas may kinikilingan antas.
Ilalagay ko ang batas, sa aking sulat na ‘di kukupas,
Mata mo na ang kusang tumuklas,
Sa pagbasa mo nito utak mo sana mamanas.
Litiral para magising ka- ungas.

Magandang katawan?
Yan ng habol ng kalalakihan.
Masahol pa sa kawatan.
Kase ‘di papatulan–
Kung walang malaking pakinabang!
Hah!! Yan ba talaga?
Oo, yun talaga.
Aminin n’yong lahat,
Sa ating henerasyon kalat na kalat.
Yung mga lalaking hanap ay bakat na bakat.

Pero meron pang natitirang tulad ko.
Oo! Yung tipong pilyo pero seryoso.
Buhay na buhay pa ang pagiging Ginoo.
Ginoo, yun ang kaylangan.
Para sa mga babaeng medyo kinulang.
Kinulang sa katawan.
Katawan na habol ng mga hangal.
Hangal!
Mga hangal talaga kayo.
Pinapaiinit n’yo ulo ko.

Eh ano naman kung siya’y flat?
Hah! ano problema mo sa binibini ko?
Bakit kase wala babakat?
Eh ano naman ngayon ikaw nga flat ang ilong mo!
Hah! Baket kase wala kang malanas?
Malamas? sana nagtrabaho ka nalang sa katagasan ng baka–banas
Lakas mo makalait wala ka namang trabaho, wala kang maipagmamataas.

Eh ano naman kung balakang n’ya hindi malapad.
Atleast hindi katulad ng chix mong kalapating mababa ang lipad.
Eh ikaw nga, malapad ang katawan.
Pero nuknukan ng hibang.
Pinagpapawisan ka lang–
Pinagpapawisan ka lang sa Gym kabubuhat lang timang.
Pinagpapawisan ka lang–
Pinagpapawisan ka lang sa paghumihigop ng mainit na sabaw na bagong luto sa kalan.
Luto ng Nanay mong ‘di magkandahupa sa trabaho, tulungan mo kaya kaibigan.
Ka’y laki ng iyong katawan
Palamunin ka lang naman.
Walang silbi yan boy,
Oo nga’t matikas ka, matchete ang porma, ‘sing siklab ng apoy.
Pero tandaan mo sa apoy rurupok, nagiging abo ang kahoy.

Eh ano naman kung siya’y mataba.
Ano bang reklamo mo hah..
Oo baboy s’ya at hindi ko ikinahihiya.
Proud ako kase mahal ko s’ya.
At wala akong pake sa coca-cola shape ng chix mo actually chix din nila.
Baka nga mas may lamang ang binibini kong piggy pretty.
Kesa sa sexyshirmp mo brodie.
At pag mataba mas may halaga-
Kase may unan kana may kama pa.
‘Di tulad sa sexyshirmp mo pang-kama lang talaga.

Ano gusto mo pang ipakalandakan ko ang kagaguhan mo.
Nakakarami kana rin loko.
Kumbaga sa bingo namumuro kana sa kanto-kanto.
Gusto mo puruhan kita ngayon para litiral na ika’y magkakanto.

Sa lahat ng mga binibini d’yan.
Higit sa binibini kong mahal
Wag kayong papahibang.
Pagpinuna kayo ulit paulanin mo ng sampal.
Marapat lang yun sa taong puro puna ang alam..

Binibini ko wag mong iisipin na wala sa inyong magmamahal
Binibini ko wag mong iisipin na hindi ka kamahal-mahal.
Binibini ko wag mong ibaba ang inyong dangal.
Binibini ko panatilihin ang tiwala sa maykapal.

Binibini ko ito’y aking ginawa.-
Upang patibayin ka.
Patunayan na meron kang halaga.
Kahit sa mata ng iba o nila.
May pagkukulang ka.
Oo, pisikal na aspeto.
Pero sasapat ba ito upang tapakan ng iyong pagkatao.
Sasapat ba ito upang pagmamahal ko sayo’y magbago.
Sa tingin ko hindi kaya ako narito.
Upang ipakita ang lubos na pagmamahal ko sayo.

Na kahit may pagkukulang sayo sa pisikal.
Mamahalin parin kita ng buong-buo at ipapadama ko ito sayo sa pisikal– pero higit sa emosyonal binibini kong mahal.

(Visited 22,223 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments