Eroplano

by Patricia Vien Isabel Ducusin | shared on He Said, She Said |

Mahal, kasama kita nung ako’y nagplano
Na sabay tayong maglalakbay habang sakay ng eroplano
Kahit hindi alam kung saan ito patungo
Sasamahn at sasabayan pa rin kita pangako

Maraming lugar tayo na gustong mapuntahan
Tulad ng mga pangarap na nais makamtan
Parang noong una kitang nasulyapan
Ang tanging nais ko lamang ay ika’y mahagkanan

Maraming tao ang gusto nating mas makilala
Tulad ng mga pangakong araw araw mong pinapaalala
Nanalangin din ako noon na sana’y mabigyan ng biyaya
Mahal, ikaw ang biyaya na nagdulot sa akin ng saya

Pero bakit andami din ng nagbago
Nagsimula kang maglakbay at lumipad papalayo
Tinahak mo din ang daan na hindi mo gaanong kabisado
At sa ere ng mga napakong pangako
Ako’y tuluyan ng napagiwanan mo.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleIlusyon
Next articleDaydreams