Fairview Part II

Fairview

ni Always Your Baby

Ginusto mo man o ako man ang may gusto, tayong dalawa ang nasa larong ito.

At sa pagkakataong ito gustuhin man natin makawala sa patintero, Nahihirapan ka, maging ako dahil sa bawat lugar na may Il Padrino Coffee, sa bawat tugtog ng Perfect Strangers ni Jonas Blue, at Shape of You ni Ed Sheeran, sa bawat Keep Up ng kantang 24K Magic ni Bruno Mars, at Tulad Mo ni TJ Monterde — naaalala kita. 

Sa bawat fries at Green Apple Mcfloat na inorder ko sa Mcdo nung gabing inaantay kita, sa bawat pagkakataon na gusto kong kumain ng shawarma, pati na rin ng siopao sa 7/11 — naaalala kita.

Sa bawat alok sa ‘kin ng pancake humihindi ako dahil naaalala ko kung paanong sabi mo sinisipsip nito yung laway mo (weird noh?), sa bawat t’yempo na may nagaayang kumain sa Sambokojin or sa Vikings, pati na rin sa mga foodpark… 

Naaalala ko yung kadugyutan mo na “lalagyan mong laway ang daliri mo ipapahula mo sakin yung nilawayan mo at pag di ko nahulaan ipapahid mo sa mukha ko.”

Kapag naririnig ko ang lugar na Fairview, naaalala kita dahil dun tayo unang nagkita. Maging ang QC, at Commonwealth, Tokyo Tokyo sa Fairview Terraces. ‘Pag nakikita ko ang QC circle tuwing nakasakay ako sa MRT. Bumabalik lahat! 

Maraming bagay ang nagpapaalaala sa akin kung gaano tayo naging masaya.

Siguro nga, hanggang dito na lang tayo. 

Pero di ko alam hanggang kailan ko ilalaan ang puso ko sa ‘yo.

Sa una akala ko laro lang ang lahat, di ko inakala na dadalhin kita sa puso ko kahit sobrang bigat. Isugal man natin ang lahat, ipuhunan man ang lahat ng sakit, pait, luha’t lahat lahat!

Hindi yata talaga p’wede ang taong pinagtapo lang, magmamahalan tapos biglang mawawala na lang.

From: Always be you baby “by”

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePaglisan Mo
Next articleFalling Rain