Paglisan Mo

Paglisan Mo
ni Giselle Grabillo
 
Ang gulo gulo
Ang bilis ng ikot ng mundo
Unan na malambot
At kumot na lukot
Kasama sa bawat gabing puno ng poot
Mata na dati’y puno ng galak
Ngayo’y mugto sa kaiiyak
 
Nasaan ka na ba?
Wala ka bang naaalala?
Mga pangakong napako
Mga pangakong naglaho
Dahil ngayo’y tila nagbago
 
Kay tagal na din pala ng una tayong nagkita
Ngayo’y hindi na kita nasisilayan pa
Subalit nananatili sa akin
ang mga salitang mahal pa rin kita
 
Akala ko wala na
Akala ko okay na
Sinubukang magmahal ng iba
Pilit kong itinago
Ngunit di nagbago
At hindi naglaho
Ngaun ko lang napagtanto
Ikaw pa rin ang laman ng puso ko
 
Kaya humahanap ng tiyempo
Dahil alam ko tutuparin mo ang mga katagang “maghihintay ako”
Ngunit napagtanto ko, tila mali pala ako
Dahil sinabi mo sa akin ang mga salitang “may iba na ako”
Kaya pinili ko na lamang na muling itago
Magpanggap na okay lang ako
Na masaya ako para sa’yo
Subalit sa kabila nito umaasa pa rin ako
Na baka sinasaktan mo lamang ako sa kasinungalingang ito
 
Ngunit sa di inaasahan
Ito ay aking nasaksihan
Nakita ko kayong nagkakasiyahan
Pumatak ang mga luha
Kasabay sa pag yanig ng lupa
 
Di ko nais manggulo
Ngunit nasasaktan ako
Pag ibig ko’y itatago
Kasabay sa aking paglaho
 
Kay sakit isipin
Na hindi ka na muling magiging akin
Dahil ang isip at puso ko’y pagod na
Sawa na
Ayoko na!
Ayoko ng muling sumugal
Sumugal na baka muling maayos
Sumugal na baka bumalik sa dating agos
Maaaring ikaw ay para sa kanya
At ako’y itinakda para sa iba
Darating din tayo sa sandaling masaya kapiling ang iba
 
Ayoko ng magkasakitan pa
Kaya ako’y lilisan na
Sa mundo nating puno ng iyakan, sumbatan at sakitan
 
Mahal kita pero tapos na
Tapos na ang istorya ng pagmamahalan natin
Pahina’y atin ng punitin
At nararamdaman nati’y limutin
Dahil wala ng patutunguhan kung atin pa’y pipilitin
 
Sa aking pagtago,
Sa aking paglayo,
Tuluyang lilimutin ka
At magmamahal ako ng iba
 
Ang tulang ito ang magsisilbing alaala
Na minsan may isang babaeng minahal ka ng tunay
Paalam mahal, minahal kita ng walang humpay
Ngunit ako’y lalayo na,
Lilisan na..
Sana, ika’y maging masaya na
Dahil wala ng manggugulo pa.
(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments