Friendzone

by Skolarian on He Said, She Said

nagsimula tayo nung mga panahong hindi pa nagkikita
chat dito tawag doon dahil un pa lang ang tanging nag uugnay pa

masaya naman tayo nun
my endearment pang
mag nobyo at nobya
ang sarap sa pakiramdam na anjan ka
palaging kumakalinga
laging umaalalay sa tuwing ako’y may problema

days weeks at inabot na tayo ng months
nagtatanung na kung anung pangkat nabibilang
team forever ba o team never ang patutunguhan
hindi ko na alam

ayokong tanungin ka
dahil baka akoy mapahiya pa
at sabihan pang
ang assuming mo sobra

naaalala ko pa nung mga panahong
nasa isang chatbox nagkasama
may isang taong sweet sa akin
pero akin namang dinededma

bigla kang nagreact
nung nagtanong siya
kung ako’y may kasintahan na ba
sinabi mung wag na nya kong pormahan pa

ang saya saya sobra
pakiramdam ko
ako’y sa ‘yo at akin ka
na tanging matamis na oo na lang
at kumpleto na

my isang senaryo pa nga
nagpost ka sa facebook na feeling in-love ka
ayokong mag assume
pero pinusuan ko pa

sobrang kilig ko nun
na parang nalalapit na
konting kembot na lang
magiging tayo na

excited na ‘ko
hindi dahil uuwi ako ng pinas para makita ka
kundi dahil sabi mo pagdating na pagdating ko
sasalubungin mo ‘ko at ika’y may ipagtatapat na

habang papalapit ng papalapit ang araw,
gabi gabing hindi makatulog ng dahil sa kaba
na para bang ako’y may insomnia
at para na ‘kong tanga

at eto na nga ang araw na pinakahihintay
ang araw na akoy uuwi na
hindi alintana ang bigat ng mga dala
dahil sa sobrang pagka excited ba

at ang eroplano’y lumapag na nga
dahan-dahan pa kong naglalakad palabas
na parang nakalutang habang ako’y
padungaw-dungaw pa

hanap dito hanap doon
at sa wakas natagpuan ka na
nakangiti habang kumakaway pa

labis ang tuwang nadarama
ang mukha ko’y kay hirap nang maipinta
at ng magkalapit na, yayakapin na sana kita
kaso pagtingin ko sa kamay mo
may ka-holding hands ka pala

bigla akong napa-atras
gusto kong magsalita
pero ang bibig ko’y hindi na bumubuka
pero pinilit ko talaga

tinanung ka kung sino siya
ang sabi mo’y
“bes, girlfriend ko nga pala
siya yung lagi kong kinuk’wento sa ‘yo
na matagal ko ng gustong ipakilala”

hindi ko alam kung ano ang sasabihin pa
eto na pala ang confirmation na inaantay ko matagal na
na sadyang IKAW lang at AKO lang, pero ung salitang TAYO
ay kathang-isip lamang

at ang tanging salita na aking iiwanan ay
“sana’y mag-ingat ka at hindi ka n’ya sasaktan,
dahil tayo’y hanggang dito na lang.”


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments