Hanggang dito na lang ba?

by Jolly Bee | shared on He Said, She Said |

Kung mayroon man akong natutunan ngayong taon na ito, yun ay ang mahalin ka ng todo. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ikaw, kung bakit kita minahal. Basta ang alam ko lang ay minahal kita at patuloy kitang mamahalin hanggang sa mga susunod na mga araw at taon kung ako’y mabibigyan ng pagkakataon.

Kung may natutunan pa ako ngayong taon na ito, yun din ay ang masanay sa sakit na idinulot ng pagmamahal ko sayo. Ilang beses nasaktan, ilang beses nahulog at ilang beses na ring tumayo. Pero sa kabila ng lahat ng aking pagkakadapa, hindi sumuko. Patuloy lang akong lumaban hanggang sa napaisip nalang akong muli ngayon, bago matapos ang taon, “Kaya ko pa bang masaktan?”

Pero sabi ko, Mahal kita. Naglalaban ang aking puso’t isipan. “Mahal kita at sayo ako masaya”, yan ang sabi ng aking puso. Pero ang sabi ng utak ko, “Mahal kita pero nasasaktan na ako”.

Anong pakikinggan ko, kung ang porsyento naman ng ating relasyon ay wala pa sa kalahati ng isang porsyento ng pag-asa?

Hahayaan ko nalang ba ang sarili ko na patuloy na mag-mahal at masaktan? O ititigil ko na ang kahibangan na ito at tanggapin na lamang ang katotohanang hanggang dito na lang tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments