Ako

by Jenny Gift Boca | shared on He Said, She Said |

ako yung taong di mo gugustuhing mahalin
ako yung pagsisihan mo
ako yung mas nanaisin mo pang ilihim
ang pagibig kaysa ang aminin sa akin
kase, ako ung taong mahirap mahalin

ako yung di mo dapat antayin.
ako yung mahihirapan kang intindihin
ako yung dapat na kalimutan mo
kase, ako yung di aamin sa tunay na nararamdaman ko.

ako yung mahirap unawain
kung oo ba o hindi,
kase madalas na sagot ko’y kabaligtaran
ako yung ililihim na lang
kase ako nga ay di kamahal-mahal.

Ako yung pagmamahal na sakim
Selos, selos, selos ang alam
ako yung pagmamahal na nakakapagod
kase ako yung di mo makikilala ng lubos.

ako yung pagmamahal pahihirapan ka lang
ako, puro ako lang
sa simula ng tula ay halata mo na
na hindi ako ung pagmamahal na hahanapin mo
mapakla ako magmahal.

Kaya mauunawaan ko
kung iiwan mo lang ako
kung kalilimutan mo
pangakong binitiwan mo
kase ako ay ako
ang alam lang ay komplikado.

Ngunit, sa lahat ng “ako” na nabanggit ko
isa lang ang masasabi ko
Masakit, nakakapagod, komplikado
Titiyakin kong mamahalin kita ng totoo
sa paraang alam ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments