Happy New Year, Ex!

by Asha Dayrit | shared on He Said, She Said |

Nakakatawang isipin na sa lahat ng naging ex ko ikaw lang ang binigyan ko ng pagka dami-daming chance.

Eh! bakit ba hindi?

Sobra kasi kitang mahal. Hahaha, mag 3 months na tayo pero ni boses mo o ni anino mo man lang wala akong narinig o nakita. Mag new-New Year na pero wala ka pa din atang balak.

Hahaha, sorry ha! Natauhan na ata ako. Di ko na kayang magbigay uli ng chance. Tama na siguro yung “You cheated on me with my bestfriend.” At yung “Palusot at Bullsh*ts” mo.

Hahaha, by the way nga pala — kamusta kayo ni bes? I hope you’ve really enjoyed her company.

Hahaha, pero kahit ganoon, pinagbigyan pa din kita di ba? Kahit na ang sakit sakit na. Pinikit ko na lang mata ko kasi nga sobra kitang mahal. Mahal na mahal kita kahit sa text at chat lang tayo nag-uusap.

Mahal na mahal kita kahit na sobra ko ng naging tanga. But I am tired! I quit!  And I will try to unlove you, and start loving myself again.

Siyanga pala. Iyong regalo mo, willing ko pa ding ibigay sa ‘yo. Nasusuka na kasi akong tignan na pinag-ipunan ko yang mga yan para lang sa tulad mong walang kuwenta.

Hahaha, yun lang at Happy New Year, EX!

#relationsh*t


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments