Magkaibigan o Magka-ibigan?

by Sharmilen Alcazar | shared on He Said, She Said |

Napakagandang awitin ang “Paano na kaya?.”

Hindi ako nagsasawa kahit Paulit ulit kong pinapakinggan. Sobrang tumatagos sa puso ko.

Isang araw, sinabi mo sakin na pakinggan ko ang awitin na iyon dahil nakaka-relate ka ng sobra. Sinabi mo sa akin kung ano ang mensahe ng awitin at sinabi ko sa ‘yo na sabihin mo na kasi sa kaibigan mo na mahal mo siya.

Bigla mo nalang sinabi sa ‘kin na “Ikaw ang mahal ko at hindi ko masabi sa ‘yo dahil magkaibigan tayo.”

Sobrang saya ng puso ko nung nalaman ko yun pero naramdaman ko rin ang lungkot dahil alam ko na kahit mahal mo ako at mahal kita ay hinding hindi magiging tayo.

Magkaibigan, ayan ang salita na puwede sa ‘tin pero ang salitang MAGKA-IBIGAN ay hinding hindi nababagay sa ‘ting dalawa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments