Hiling

by Celay Ara | shared on He Said, She Said |

Ano ang gagawin
Ako’y nahihirapan
Sa tuwing binabalewala
Pagkatao’y bumababa

Parang pulubing nanlilimos
Sa araw araw ng iyong oras
Na sana ako’y pagbigyan
Konting panahon tanging hiling

Masakit,mahapdi,makirot
Sugat na walang gamot
Hindi malaman kung bakit
Ako’y pilit na nakakapit

Sa tuwing ika’y maaalala
Mga mata’y lumuluha
Mga tanong sa isipan
Parang mga batang naghahabulan

Bakit ako’y isinantabi
Sayo ba’y wala ng silbi
Pagmamahal ba ay tunay
O ang lahat ay tanging laro lamang

Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments