Hindi ako naiinip, nagtatanong lang ako

by Jo | shared on He Said, She Said |

Nasa’n ka ba? Di ka na nagpakita buhat nung sinabi kong mahal kita
Akala ko pag nalaman mo, mas kakapit ka at iingatan mo ako
Pero bakit parang katulad ka din nilang matapos marinig ang gusto
Tatalikod ka na rin at hahayaan mong mamugto ang mata ko.

Sabi mo sakin diba na mahal mo ako,
Na maghihintay ka ng tamang panahon na maging handa ako
Pero dumating na yung araw na hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa ‘yo
Pero bakit ngayon mo sakin pinaparamdam ang unti-unti mong paglayo?

Sinabi ko na mahal kita, pero di ibig sabihin nun na tumigil ka
Pinarating ko sayo na handa na ako, pero hindi yun hudyat na ikaw ay huminto.
Sabi ko lang na mahal kita, at may karugtong yun na magsumikap ka pa
Patunayan mo pa sakin na walang mali sa pagsiwalat ng aking nadarama.

Ang hirap kasi, nalaman mo lang na mahalaga ka sakin at mahal kita,
Nawala naman yung dati mong gana para ako’y mapasaya
Unti-unti na ring nagbabago ang panunuyo mo sa twing susungitan kita
Nalaman mo lang na mahal kita, saka mo naman sakin pinaparamdam na hindi ito tama.

San ba talaga ko lulugar d’yan sa mundo mo?
Noong di pa kita mahal sinabi mong hihintayin mo ako
Ngayon namang mahal na kita, nalilimutan mo naman ako.
Hindi ba p’wedeng magtagpo muna tayo bago mabigyan ng wakas ang ikaw at ako?

Huling tanong muna ng puso ko “Nasan ka ba? Andito na ako.”
Ako naman ang naghihintay na magkatotoo ang mga panaginip ko
Ako naman ngayon ang umaasa na maging tunay ang imahinasyon ko
Andito ako, nasasaktan habang hinihintay ang pagtupad sa pangakong binitawan mo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments