Hindi Ako

Hindi-Ako

ni Julie Claire Andres II

Salamat sa lahat.
Sa simpleng paglalaan ng oras at panahon.
Sa pangangamusta kung may pagkakataon.
Sa pagmamahal na sa aki’y ibinubulong.
Salamat. Salamat.

Patawad sa lahat.
Sa hindi pagpapahalaga sa oras mo at panahon.
Sa pangangamusta mong pakiramdam ko’y nakakairitang tanong.
Sa hindi pagbabalik ng pagtinging sa aki’y iyong itinutuon.
Patawad. Patawad.

Hindi ka ba nagsasawa?
Ako sayo’y lubos na naaawa.
Paulit ulit ko nang sinabi sa iyo.
Na hanggang kaibigan lang ang turing sa iyo.

Huwag mo na pahirapan ang sarili mo.
Paki-usap isuko mo na ang laban na ito.
Hindi ko alam kung anong iniisip mo.
Pero ako ang nahihirapan para sayo.

Alam kong nasasaktan ka sa mga pinagsasabi ko.
Pero lalo kang masasaktan kung ipagpipilitan mo.
Palayain mo ang sarili mo.
Hindi kasi ako ang itinakda para sayo.

Sasabihin ko ulit ang paulit-ulit kong sinasabi sa iyo.
“You deserve someone better”.
Someone na kaya kang pahalagahan.
Someone na kaya kang mahalin.

Pasensya ka na.Pero hindi ako yon.
Hindi ako ang taong akala mong magpapasaya sayo ng totoo.
Hindi ako ang taong inaakala mong bubuo ng pagkatao mo.
Hindi ako ang taong dapat mong tawaging ‘mundo ko’.

Tiyak akong may tamang tao para sa iyo.
Huwag mo kasing ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sayo.
Tiyak naman may iba pang nagmamahal sa iyo.
Huwag kasing puro ako.

Ako na laging nananakit sayo.
Ako na sinasabi mong tanging nagpapa-iyak sayo.
Ako na walang sawang nagpapa-alala sa iyo.
Na hindi talaga ikaw ang laman ng pusong ito.

Maswerte talaga ang mga taong mahal mo.
Pero malas mo kung katulad nila ako.
Pareho lang naman kasi tayo.
Nagmamahal sa taong hindi tayo gusto.

Huwag ka sana sa akin magagalit.
Nagmamahal lang rin ako tulad mo.
Okay na ang ganito.
Sa pagkakaibigan siguradong magtatagal tayo.

Sana matapos mong mabasa ito.
Napagtanto mo na ang kahalagahan mo.
Maswerte talaga ang mamahalin mo.
Sigurado ako dahil naramdaman ko.

(Visited 22,332 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleLove, Sarah
Next articleGusto Mong Sumaya?