Hindi na tayo gaya ng dati

by Angelica Reyes | shared on He Said, She Said |

Minsan naitanog ko sa aking sarili
Kung nagkulang ba ako?
Kung hindi ba naging sapat ang pagmamahal?
Saan ako nagkamali?
Saan ako nagkulang?

Sana manlang bago mo ako iniwan
Ay naisip mong ipaintindi
Ang dahilan ng iyong biglang paglisan
Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan
Ang bawat umagang puno ng katanungan

Tanda ko pa mga katagang iyong binitawan
“Kapit lang huwag mo akong iwanan”
Pangako mo aking pinanghawakan
Sa pag-aakalang hindi mo isusuko ating pagmamahalan

Ngunit bakit?
Bakit mo ako iniwang nakatanga?
Bakit mo ako iniwang nag-iisa?
Bakit mo hinayaang masira tayo basta-basta?

Siguro ganun nga talaga ang buhay
May taong darating para ika’y pasayahin
Ngunit ‘di magtatagal ay mang-iiwan rin

Malungkot man ang nangyari
Dahil hindi na tayo gaya ng dati
Pero naniniwala akong
Magiging okay rin ang lahat
Magiging okay rin ako.

Masaya ako at naging parte ka ng buhay ko
Salamat sa ala-alang ibinahagi mo
Paalam na sayo, mahal ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments