Huwag kang mag-alala

by Mainar Monica Venenoso | shared on He Said, She Said |

Huwag kang mag-alala
dahil ako’y pagod na
pagod ng umasa
na ikaw ay babalik pa.

Huwag kang mag-alala
dahil natuto na ang puso ko
na pakawalan ang mga masasayang
alaala na ating binuo
at ngayon sana’y masaya ka na
dahil wala na ako para kulitin ka.

Napakalaking pagkakamali
na sa ‘yo pa’y manatili.
mga masasaya nating alaala
ay kakalimutan ko na
sapagkat pagod na akong lumuha
at umasa na ikaw ay babalik pa

Sa araw-araw na pangungulit
at ika’y pinipilit
na sa akin ay magbalik
dahil namimiss ko na ang yung mga halik

At aking napagtanto
na ang pagpilit sa ‘yo
ay para lang akong kumuha ng bato
at pinukpok sa aking ulo.

Ako’y natauhan na
kaya ngayon ay pakakawalan ka na
dahil ako’y pagod na
pagod na sa pagiging tanga.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments