Huwag kang mag alinlangan

by Ella C. delos Reyes | He Said, She Said |

Huwag kang mag alinlangan
Ika’y aking mamahalin lamang
Na parang isang punong luntian
Mula sa nagbabagang bakuran.

Huwag kang mag alinlangan
Ika’y mamahalin din lamang
Tulad ng matayog na bituin
Na kumukutitap sa kalangitan.

Huwag kang mag alinlangan
Hayaan mo akong pagmasdan
Ang busilak mong katauhan
Na umakit na ika’y tignan.

Huwag kang mag alinlangan
Ni hindi ako gagawa ng paraan
Upang maabot ang dako
Kung nasaan kaman.

Huwag kang mag alinlangan
Alam ng aking isipan
Na sa tayog mong iyan
Hindi ka maaabot kailanman.

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
 
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
 
He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.
(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments