by Joyce Balignasay | He Said, She Said |
Naalala mo pa ba yung nga nagdaang araw na tayo ay magkasama?
Mga sandaling ikaw ang laging dahilan ng bawat ngiti at pagtawa.
Tanging presensya mo lamang ang makapagpapasaya sa aking araw
Lungkot aa puso at isipan sa tuwing ikaw ay di matanaw.
Ano b namang klaseng isip ang mayroon ako?
hindi na nagsawa sa pag-alala sa mga panahon na tayo ay masayang magkasama
Sa gabi ay napapaluha na lamang sa lungkot na nadarama na dala ng ating ala-ala
Hindi ko alam kung maibabalik pa nga ba
Maitutuwid pa kaya ang pagkakamali?
Magiging masaya pa kaya tayong muli?
Hay! Hanggang ala-ala na lamang ba tayo?
Nais kong malaman kung ako ay aasa pa ba o tuluyan nang lalayo
Sa pagdilim ng kapaligiran
Isip ko ay naguguluhan
Sunod sa pagpatak ng ulan
Ang luha ko na tila ba nag-uunahan.
Aasa pa ba ako o tuluyan nang lalayo?
Hindi ba nag-iwan ka ng pangako na ako ay iyong babalikan?
Nasaan ka na? Ngayong ikaw ay aking kailangan
Ngayong luha ko ay dapat nang mapunasan
Mata ko ay nanlalabo at hindi na mahanap ang maliwanag na daan
Tuluyan mo na ba akong nakalimutan?
Pangako mo ba ay hindi na nararapat pang asahan?
Puro na lamang ba tanong ang nasa isipan?
Gigising sa umaga ikaw parin ang hanap ng mga mata kong pagod na sa pagluha
Babalik ka pa ba?
Nasaan ka na?
Aasa pa ba?
O lalayo na?