Hanggang Kailan

by Joyce Balignasay | He Said, She Said |

Hindi na maganda sa pakiramdam.
Lagi nalang iniiyakan.
Pilit kong tinatabunan ng tama ang mga pagkakamali mo.
Isinasapuso ko ang parati mong sinasabi
na “mahal kita” na mula sa bunganga Hindi sa iyong puso
Pero hanggang kailan?
Hanggang kailan ko pagtatakpan ang mga Mali mo?
Hanggang kailan ko titiisin mga sakit na ipinapadama mo?
Hindi ako nagdradrama para mapansin mo
Nais ko lang na kusa mong maramdaman na mahal mo pa rin ako,
na Hindi mo kayang makita na ako’y umiiyak at nasasaktan
Nais Kong maisip mo ang aking mararamdaman sa bawat pagtanggi mo
Sa bawat lihim na akala mo Hindi ko alam
Sa bawat “OO” na wala naman katunayan
Sa bawat “mahal kita” na wala namang katotohanan
Sa bawat “Hindi na mauulit” na hanggang magpakailan pa man
Sawa na akong umiyak
Pagod na akong makinig sa pagsambit mo ng salitang “patawad”
Naumay na ako sa mga walang kwentang dahilan
na kadalasan pinapaniwala ang isang tao na katulad kong uto-uto.
Naniniwala sa di naman dapat paniwalaang mga kwento
Hanggang kailan ka aastang parang may pakialam?
Hanggang kailan ka dudurog ng pusong sugatan?
Hanggang kailan ka magsasabi ng mahal kita na wala nang katuturan
Hanggang kailan? Hanggang kailan!!
Sinaktan mo ako
Nasaktan mo ako
Masasaktan mo ako
Pero tama na!
Ang hanggang kailan ay magtatapos na.
Ang hanggang kailan ay may hangganan na.
Ngayon! Ngayon! Ngayon!
Wala nang hanggang kailan.
Dahil tapos na.Tapos na. Tapos na tayo!

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
 
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
 
He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

 

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments