Naitanong mo na ba?

by Alondra Morillo Oliquino | He Said, She Said |

Naitanong mo na ba?
Kung saan at paano tayo nagsimula?
Kung kailan at bakit tayo nauwi sa wala?

Sa umpisa na di kita kilala.
Sa umpisa na di ko inakala.
Inalang ika’y makikilala.
Pag ibig ko’y umusbong ng di ko inakala.

Sa umpisa na masasabing matagumpay.
Sa umpisa na talagang walang humpay.
Sa umpisa na palagi kong inaabangan.
Sa umpisa na inakala’y walang hanggan.

Ngunit ako’y dumipende sa umpisa,
Inakala na ito ay mabisa.
Di ko napansin na ako’y napaasa.
Sapagkat sa huli iniwan kang mag isa.

Naalala ko ang iyong mga haplos,
Ang iyong yakap na kumakawala sa pagkayapos
At ang pag ibig na tinangay na ng agos,
Hudyat upang doon na matapos.

Sa panahong buo ang aking tiwala,
Ikaw ay di na naniniwala.
Hinintay na ako ay kumawala,
Nang sa ganon ang ako at ikaw ay tuluyan ng mawala.

Ayoko na sa umpisa.
Ayoko na umpisahan.
Sa umpisa lang masaya.
Sa umpisa ka lamang sasaya.

Sa umpisa na nagmahal at minahal.
Sa huli maiiwan ang puso mo na parang bakal.
Sa sakit na nararamdaman para kang sinasakal.
Dahil sa umpisa na akala ko’y magtatagal.

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
 
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
 
He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.
(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleHanggang Kailan
Next articleMundo