Mundo

by Patricia de Padua | He Said, She Said |

Malaking mundo ang meron ako bago kita nakilala,
Pinaliit ko kasi sabi ko, “sapat ka na.”,
‘Di mo ba pansin na iilan na lang sila?,
Mahirap palang magmahal ng taong naging mundo na.

Ang daming beses kong sinubukang tanggihan ka,
Dumadating lang talaga sa puntong ‘di ko pala kaya,
Hindi ako nagda-drama kasi alam mong ayoko na,
May mga bagay na lang sigurong di na kita ioobliga.

Hindi ko hinihiling na ako ang unahin mo,
Pero ‘wag mong iparamdam sakin ang obligasyon mong piliin ako,
Aminado ako, ikaw, pati na ang “tayo,”
Hindi mo kayang tumbasan ang atensyong binibigay ko.

Wala akong ipipilit na baguhin mo,
Marahil siguro’y tanggap ko kaya tayo nagtagal ng ganito,
Subalit mahal, ang tanging pakiusap ko sa ‘yo,
Ibalik mo ang mundong pinakamamahal ko.”

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
 
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
 
He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments