Ikaw Ang Aking Popoy Ngunit Hindi Ako Ang Iyong Basha

by Shannene Pepito | shared on He Said, She Said |

Oo, nabasa mo nga ng tama. Gusto mong malaman kung bakit?
Ako nga’y nagtataka nung una kung bakit.
Kung bakit tila para kang isang panaginip na hindi ko maalala.
Kung bakit tila para kang isang kanta na hindi ko mahanapan ng tamang melodya.
Kung bakit tila para kang isang kuwento na hindi ko alam kung paano tatapusin.

Pero ngayon alam ko na, alam ko na kung bakit.

Hindi kita maalala, sapagkat hindi naman malinaw ating mga ala-ala. Hindi ko nga malinaw kung ano ba talaga ako sa ‘yo.

Hindi kita mahanapan ng tamang melodya, sapagkat noon pa man ang lyrika ng aking kanta ay hindi tugma sa tono ng iyong puso na nagsasabing SIYA PA RIN PALA

Hindi kita matapos-tapos, sapagkat sa simula palang ikaw na mismo ang tumapos nitong storya natin na hindi naman talaga sa atin. Istoryang nagpatunay na hindi lahat ng may IKAW AT AKO ay puwedeng maging TAYO.

Isa kang masakit na panaginip at ngayoy kailangan ko ng gumising.

Isang malungkot na kanta na kahit kailanman hindi ko maitutugma ang lyrika sa yong tono.

At isang kwentong dapat nung simula palang ay akin ng winakasan para wala ng nasaktan. Nakalimutan ko kase, na hindi pala sa ‘tin ang kuwento na ‘to.

Sapagkat ako lang naman ang Trisha sa kuwento niyo ni Basha.

Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments