Ikaw Lang

by SMCD | shared on He Said She Said |

Alam kong malabong maging tayo
Pero kung hahayaan mo akong mahalin kita
Sinisigurado kong magiging masaya tayong dalawa
Kahit na masakit, dahil alam kong sya parin ang nasa iyong puso at isip
Ito ay aking titiisin, basta ikaw ay aking makapiling
Oo mahal kita at alam ko na ako’y nag papaka tanga dahil sya ay mas mahalaga
At tanggap ko na ako lamang ay pansamantala

Pansamantalang ligaya
Kapag kailangan mong maging masaya
Dahil masyado ka ng malungkot kaka isip sa kanya

Sana ako n alang,
Sana ako na lang ang iyong hinahanap-hanap
Ang gusto mong kayap at maka-usap

Dahil kung ako ang iyong tatanungin
Ikaw lang ang aking mamahalin

Sana bukas pag gising ko magkatotoo
Ang panaginip kong may ikaw at ako at posibleng maging tayo

Dahil alam mong, ikaw lang
Ang tanging laman ng puso kong mapagmahal
At pangalan mo lang ang isinisigaw ng aking isipan.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments