Inspirasyon

by Pamela Mae Tomboc | shared on He Said, She Said |

Itinadhana ka siguro sa ‘kin ni Lord
upang bigyan muli ng ngiti sa aking mukha.

Sa kabila ng sakit na naramdaman ko sa dating kasintahan
ay s’ya namang panibagong saya na nanggagaling sa ‘yo.

Sa kabila ng sakit na naramdaman ng puso ko
ay nagawa pa rin N’yang mabuhay para sumaya na nanggagaling sa ‘yo.

Hindi ko sinadya magkagusto sa ‘yo
pero hindi ko na napigilang mapalapit sa ‘yo.

Masaya ako pag nakikita at nakakausap ka
lalo na pag nasisilayan ang mga ngiti mo.

Salamat dahil dumating ka, at kinomfort
na s’ya namang dahilan ng pagkainspire ko para makalimot.

Hindi ka panakip butas sa buhay ko,
pero ikaw ang dahilan ng bawat pag ngiti ko.

Ang sarap mo siguro magmahal noh?
Pero hanggang dito palang ang kaya ko ibigay sa ‘yo.

Gusto din kita, pero takot pa akong magbigay ng pagmamahal muli.

Sa tamang panahon siguro pag ok na at handa na ulit.

Sana nand’yan ka pa at hindi pa nagsasawa sa magpapangiti sa ‘kin sa huli.

 


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments