Isang hakbang palayo

by Alexa Paje | shared on He Said, She Said |

Bawat minuto
Bawat segundo
Kahit man maglakbay ang isip palayo
Ikaw lamang siyang nilalaman ng aking puso

Sa bawat paghakbang ng aking paa sa sahig
Hindi nawawala sa akin ang pag-ibig
Pag-ibig na para sayo lamang kahit ang mundo ma’y yumanig
Pag-ibig na di lilisan dahil ito ang matagal ko nang ninanalig

Pag-ibig na hindi nawawala kahit ilang beses mong patayin

Ang puso kong walang ibang ginawa kundi ika’y mahalin
Sabi man nilang nawawala ako sa aking sarili
pero ito ang akong diniringgin
Na sana’y balang araw ikaw ay aking makapiling
Sa aking tabi at ako’y iyong yayakapin

Ngunit isa nalang ba itong pangarap?
Isa nalang ba itong mithiin at hindi mangyayari sa hinaharap?
Palagi nalang ba tayong titingin sa alapaap?
Nag-hihintay ng kasagutan at parehong nagpapanggap?

Sabihin mo sakin hindi ko maintindihan ang lahat
Ang pag-ibig ko nga ba sayo’y di naging sapat?
Kaya ikaw ay lumayo sa akin dahil ito ang tingin mong dapat
Sabihin mo sa akin ng buong tapat

Ang tunay na dahilan kaya ika’y lumisan
Papakinggan ko kahit gaano man kasakit
ang iyong mga salitang bibitawan
Basta sabihin mo sa akin kahit na iyo pang ilarawan
Tatanggapin ko gaya ng pagtanggap ko sa ‘yo
kahit na ako’y iyong iniwan

Mahal kita kahit ilang beses mo pa akong saktan
Kahit na malinaw pa sa ilalim ng buwan
Na isa lamang biro ang ating pagmamahalan

Mamahalin parin kita
Kahit man ako’y nagiging sobra nang tanga
Mamahalin parin kita
Kahit na alam kong may mahal ka nang iba.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments