Hanggang Kailan Magtatanong?

by Jenny Lyn L. Ferrer | shared on He Said, She Said |

Lumipas ang buwan, muling natagpuan,
Galak sa mga mata, sigla na kakaiba.
Biglang nakadama ng animo’y paru – paru sa aking sikmura.
Buhay ay biglang naging makulay sa piling niya.

Natuwa, nagalak,namangha,
Sa bagong pag asa na pinahiwatig niya.
Lalaking di sinasadya na makilala noong Brigada.
Hindi maitatanggi na ako’y iyong nabighani.

Pero bakit ngayon muling napalingon?
Isang dapit hapon,naiba ang panahon.
Ngiti sa labi ng dalaga,
Biglang nawala na parang bula.

Kaligayahang dala, panandalian lang pala.
Naniwala, umasa siyang si Tadhana.
Pero hanggang kailan?
Parati na lang iniiwan.

Mali bang magmahal?
O sadyang mali lang ang taong minamahal?
Heto nanaman nagkamali.
At pag-ibig ay naging sawi.

Hanggang kailan maghihintay?
Darating ka pa ba sa aking buhay?
Pag – ibig na tapat, asan ka?
Kailan ka magpapakita?

Hanggang kailan magdudusa?
Hanggang kailan ang pagtulo nitong luha sa mga mata?
Kailan mararamdaman tunay na galak sa mukha?
Anong mali? Kulang pa ba pinapadama?
O sadyang hindi pa rin sapat para sa kanila.

Hanggang kailan magtatanong itong pusong sugatan?
Pati itong isip na parating naguguluhan.
Lagi na lang mangangamba
At magtatanong kung asan ka na ba aking tadhana.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments