Meet up

Meet up
Meet up

by Mary Evangeline Guinhawa Oyos | shared on He Said, She Said |

Sabi ko, “Ba’t ang sarap kausap ng taong to?”
Ang lalaman at lalalim ng mga salita,
At ako na parang bata,
Natatanga, Natutuwa, Namamangha sa mga sinasabi nya.

Oras, mga araw, at ilang linggo din tayong nagkakadaldalan,
kahit sa Viber lang, ikaw ang naging sandalan.

Simula ng nagkakausap na tayo ng matino,
Alam ko dadating ang oras, itutulak kita palayo.
Magulo.
At ayan na nga, Isang araw bigla akong may napansin,
Madalang ka na mag chat, madalas mo na ako na si-
seen.
Anong mayr’on? Ayaw mo na ba akong kausapin?
Nagkasundo tayo na magkikita sa unang pagkakataon,
sa pagbukas ko ng pinto, ayan ka, sa harap ko,
Naka itim, nakangiti at naka pantalon.
K’wentuhan pa-more ang nangyari,
At nakakatuwa. Sobrang saya ko.
Naku, delikado ‘to.

Nagulat ako ang tanong mo ay ganito,
“ Attached ka na ba sa akin?”
Iling ang sagot ko.
Kailangan ko mag sinungaling,
Alam ko kasi sa huli,
Hindi mo naman din kasi ako pipiliin.
Magsabi man ako ng totoo,
Walang posibilidad na magiging matibay tayo.
Masakit.
Ikaw ang nagpasiklab ng madilim kong mundo,
Pero matapos kong marinig mula sayo,
“ Wala nga tayong sparks o”
Wika din pala ulit ang mag papa brown out nito.
Dumating na ang hapon, Kailangan ng umuwi.
Sa una’t huling pagkakataon,
Niyapos kita ng mahigpit.
Sabi mo kasi hayaan lang ang daloy ng buhay,
Kaya hindi na ako sa ‘yo ulit maghihintay.
Hinigpitan ko pa ng kaunti. Bawat segundo, sinulit.
Gusto ko kasi maaalala na ang taong ‘to,
sa maikling panahon, nagbigay ng saya at sakit sa puso ko,
Pero s’ya din ang dahilan kung bakit magbabago ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments