Bahaghari ng buhay

by Kriserima | shared on He Said, She Said |

Minsan tayong pinagtagpo
Sa mundong mapaglaro
Akala ko ikay napadaan lamang.
Ngunit magiging parte ka lang pala
ng buhay kong makulay.

Nung umpisay di pinapansin,
Hanggang sa nagiba ang ihip ng hangin.
Tayoy nagkakilala.
Untiunting nahulog,
Ang puso kong marupok.

Dumating ang araw na tayo ay nagkasama
Di makalimutan ang sayang nadama.
Hinalikan kita at hinagkan.
Sa simula akala moy pagibig,
Minuminutoy hinahanap ang iyong bisig.

Ang haplos moy di makalimutan
Halik mong tila walang katapusan.
Ang init ng yong katawan.
Nanunuot sa ikabuturan.

Haplos ng iyong labi
sa akiy dumadampi
Lungkot ay napawi
Ligaya ay umusbong unti-unti

At sa isang saglit di ko namalayan.
Wala na tayong saplot.
Pagibig akala koy naabot.
Ngunit sa huli pighati rin pala ang dulot.

Iiiwan mo rin palang luhaan.
Init lang pala iyon katawan.
Ako pala ay iyo lamang pinaglaruan.
At di inasahang sasaktan.

Ngunit kahit nagkaganon
Salamat pa rin sa iyo kaibigan
Kahit masakit mang maiwan
Aking tatanggapin
Sapagkat isa ka sa nagpakulay
Ng bahaghari ng aking buhay.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments